Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Karagdagang kapulisan para sa isla ng Boracay ang ipinadala
ni P/Supt. Cornelio Defensor nitong umaga na siyang maging katuwang ng Boracay
pulis sa pagpapatupad ng seguridad sa mga turista.
Ito ang kinumpirma ni Defensor sa panayam dito kung saan
nagdagdag umano sila ng dalawang team pa ng pulis na nagmula sa Provincial
Public Safety Company.
Pero ayon dito, hindi lamang para sa Holy Week ang layunin
ng mga karagdagang pulis na ito katunayan ay aabutin pa aniya ang mga ito ng
anim na buwan.
Bunsod nito nagpaalala din ang provincial director sa isla
na iwasang magdala ng mamahaling gamit at labis na pag-inom ng alak para
maiwasan ang anumang sakuna.
Samantala, inihayag din nito na kasado na sa buong probinsya
ng Aklan ang ipinapatupad na siguridad para sa pagdiriwang ng Mahal na Araw.
No comments:
Post a Comment