Ni Malbert Dalida, News Director,
YES FM Boracay
Pormal nang inilunsad ng YES FM at Easy Rock Boracay ang
Oplan Semana.
Layunin ng nasabing hakbang ay ang matulungan at maalalayan ang
mga turistang pumapasok sa isla ngayong Semana Santa.
Kaugnay nito, naglaan ng broadcast assistance sa mga bisita
at lokal na risidente ang YES FM at Easy Rock Boracay, partikular sa mga
nawawala nilang gamit.
Magsisilbing takbuhan ng mga nagsasauli ng mga nawawalang
gamit ang dalawang himpilan, maging sa mga batang nawalay sa kanilang mga
magulang.
Ang mga linya ng telepono ng mga ito ay inilaan sa mga
nagtatanong tungkol sa mga gawain sa simbahang Katoliko sa isla at sa mga
ipinapaanunsyung biyahe ng bangka.
Katuwang ng YES FM at Easy Rock Boracay ang Boracay Tourist
Assistance Center ng Police, Philippine Coastguard, Municipal Auxiliary Police,
Red Cross, at D’mall Security.
Nangako naman ng suporta sa Oplan Semana Santa ang mga
nabanggit na ahensya.
Ang Oplan Semana Santa ay magsisimulang maglingkod mula alas
singko ng umaga hanggang alas dose ng hating-gabi, partikular sa Huwebes Santo
hanggang Linggo ng Pagkabuhay.
No comments:
Post a Comment