Kahit pa humarap ng pagbatikos ang Boracay kamakailan lang,
sa bibig naman mismo ni Department of Tourism DOT Secretary Ramon Jimenez Jr.,
na nanatili pa ring nangunguna ang Boracay sa lahat ng mga tourist destination
sa bansa.
Aniya, aminado ito na tumanggap ng hindi magandang komento
ang Boracay kamakailan lamang at kinukuwestiyon kung papano ang nakakabahalang hinaharap
ng isla.
Ito ay maliban pa sa maraming lugar sa bansa ang nagsasabing
sila ang mas nangunguna pagdating sa turismo.
Kung magkaganon pa man, ang mga nasa isla pa rin umano ang
mas higit na nakakaalam kung ano ang mayroon sa Boracay.
Kaya hamon nito, bilang responsiblidad ng mga nasa isla,
ipakita umano ng mga ito na hindi totoo kung ano ang nilalaman ng kumento.
Pero naniniwala ang Kalihim na Boracay parin may hawak ng
titulo dahil pangalawa na sa pangalang Pilipinas ang Boracay, at kapag sinabing
Boracay ay awtomatikong Pilipinas na rin umano ito, at tumatayo na ito bilang “brand
name” ng bansa.
Maliban dito, sa bibig na rin mismo ni Jimenez nagmuli na
ang Boracay ay siyang tinatawag nang “Party Island” ng Asya.
Dahil dito, nangako si DOT Secretary Jimenez na patuloy
paring makakatanggap ng tulong mula sa departamento nito ang Boracay, sa kabila
ng madalas na sinasabi ng lokal na pamahalaan ng Malay na hindi sila
nakakatanggap ng tulong mula sa nasyonal.
No comments:
Post a Comment