Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Sakaling hindi pa maipapatupad ang pagsasa-ayos sa Cagban Jetty
Port Holding area, doon pa lang umano pwedeng manghimasok ang administrasyon ng
Jetty Port para sila na ang magtake over sa konstraksiyon ng proyektong ito.
Ito ang inihayag ni Jetty Port Administrator Nieven
Maquirang, kung saan aminado ito sa kasalukuyang sitwasyon ng holding area na
luma na at kalawangin pa.
Katunayan aniya, dalawang buwan na ang nakakalipas ay may
kinontrata na sila para sa konstraksiyon ng holging area.
Subalit maging ito ay nagtataka din kung bakit hindi pa
nasisimulan, dahil sila umano ay naghihintay lang sana kapag matapos upang
pormal nang nai-turn over sa kanila upang magamit na.
Samantala, lamang at kinakawalang na ang inprastrakturang
ito sa Cagban, balak at nasa plano nang aalisin at palitan na ang buoung bubong
at palitan ng kahoy ang dati ay mga bakal.
Ang pahayag na ito ni Maquirang, ay kasunod ng pangyayari sa
nasabing holding area noong ika tatlumpu ng Marso kung saan habang naghahanda
para sa pagpapasinaya ng bagong holding area sa Caticlan Jetty Port ay
kamuntikan nang madisgrasya ang isang turista dito.
Ito ay makaraang kamuntikan na itong mahulugan ng isang kapirasong
angle bar mula sa bahagi ng bubong ng bumigay dahil sa puro kalawang na rin, na
nagpapakitang hindi na ligtas para sa publikong dumadaan doon.
No comments:
Post a Comment