Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Bagamat nakatatak na sa pangalan ng Boracay ang akusasyong
ang serbisyo ng tubig sa isla ang pinakamahal sa lahat ng tubig sa Pilipinas, tila
nabawi naman ito.
Ito ay dahil sa kabila ng mahal na tubig sa isla, mismong si
Department of Tourism Secretary Ramon Jimenez Jr. na ang nagsabi at nagmalaking
“ang Boracay ang may pinakamalinis na inuming tubig sa buong bansa”.
Kung saan magandang ehemplo umano ito para sa lahat ng
tourist destination sa Pilipinas, dahil ang Boracay ay pinapangalagaan ang
kapakanan mga turistang ito sa pagbibigay ng standard tubig.
Dahil sa ganitong pahayag ni Jimenez, nais umano ng Kalihim
na ipagaya din ang ganitong programa o proyekto sa ibang tourist destination sa
bansa.
No comments:
Post a Comment