Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Nilooban ang tanggapan ng Malay Municipal Health Center
Annex, dito sa barangay Balabag.
Natangay ang ilang kagamitan at perang nagkakahalaga ng apat
na libong piso, mula sa mismong opisina ng midwife doon na Sally SacapaƱo.
Nadiskubre ito umaga ng Abril 2 bago pa mag-ala sais, sa
pagpasok ni SacapaƱo sa opisina.
Maliban sa pera, ninakaw o natangay din ang isang set ng
computer kasama ang printer, at mga gadget para sa koneksiyon ng internet.
Samantala, ang ibang computer pa doon ay tila nagalaw at
natangal na rin mula sa dating posisyon pero hindi ito nadala.
Sa kasalikuyan ay hindi pa malaman kung gabi o madaling araw
ginawa ng suspek o mga suspek ang pangloloob.
Sa pangu-usisa ng Boracay Pulis, naging daan sa pagpasok at
paglabas ng kawatan sa nasabing gusali ay ang bintana di umano sa 2nd
floor na hindi nai-lock.
Sa ngayon ay iniimbestigahan din ng mga taga Scene of the
Crime Operative o SOCO ang pangyayari gayon din ni PO3 Naral ng BTAC ang kasong
ito.
Kung maaalala nitong lunes ay naiulat ding nilooban ng
dalawang beses ang Boracay National High School at natangay ang pera na mahigit
dalawang libong piso.
No comments:
Post a Comment