Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Hindi apektado ang bagong bansag ng Boracay na Party Island ng
Asia.
Dahil kahit Biyernes Santo, tuloy pa rin ang mga event o
aktibidad sa isla, kaya mistulang hindi maaapektuhan ang mga party goers sa
darating na Biyernes habang ang ilang bakasyunista ay nagninilay-nilay.
Nilinaw ng administrador na mariin nilang ipapatupad ang
batas o ordinansa sa paglimita ng ingay na maaaring madala ng mga
establisemyentong sa isla katulad ng mga disco bar.
Pero pagdating sa itinakdang oras na naaayon sa batas na
tuwing Biyernes Santo pagdating ng alas dose ng hating-gabi ay dapat bawasan na
ang lakas ng tugtog at hanggang alas dos lang.
Aniya, ang mga alituntuning katulad nito ay batid na rin
umano ng mga organizer ng events sa Boracay, kaya umaasa si SacapaƱo na susunod
din ang mga organizer na ito.
Ito’y upang bigyan din ng pagkakataong makapagnilay-nilay
ang iba lalo na at ilang oras lang naman ito at sa araw ng Sabado ay balik na
sa normal ang lahat.
Nabatid din mula kay SacapaƱo na taong 2009 pa ipinatutupad
ang ordinansang katulad nito.
Samantala, inihayag din nito na hanggang sa ngayon ay marami
pa ang pumipila at kumukuha ng permit para sa mga event sa Boracay lalo na at
summer season na.
No comments:
Post a Comment