YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 05, 2012

Sabay-sabay na pagdiriwang ng Ati-atihan sa Aklan, pinaghahandaan na ng APPO


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Maaga pa lang ay pinahandaan na ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang sabay-sabay na pagdaraos ng festival sa iba’t ibang bayan sa Aklan ngayon Enero.

Dahil dito, unang linggo pa lang ng Enero, ayon kay Police Senior Supt. Cornello Defensor, Provincial Director ng APPO, nag-request na sila ng mga karagdagang Pulis mula sa Regional Office na dumating na nitong a-tres ng Enero.

Aniya, ginawa nito ang nasabing hakbangin para paghandaan ang selebrasyon ng Ati-Atihan na sabay-sabay na ipinagdiriwang ngayong buwan.

Maliban kasi sa Ati-Atihan Festival sa bayan ng Kalibo na buong linggong ipinagdiriwang kahit ang karawan ay sa a-katorse at a-kinse pa ng Enero, sumabay din sa katulad na petsa ang pagdiriwang ng selebrasyon sa mga bayan ng Batan, Makato, at Malinao, kaya dapat maaaga pa ay may mga plano na at makapag-lagay na ng mga karagdagang pulis sa mga lugar na ito.

Ngunit hindi lamang sa mga nabanggit na lugar ipagdiriwang ng Ati-atihan, dahil sa ika-walo ng Enero sa darating na linggo ay magpapadala din umano ito ng mga pulis sa selebrasyon ng Ati-Atihan sa Boracay at sa huling linggo ng buwang ito sa bayan din ng Ibajay.

Sa kasalukuyan bilang paghahanda sa mga selebrasyong ito, sinabi ni Defensor na ang kanilang layunin ay upang mag-assist sa mga bayang nabanggit, magkaroon ng check point at visibility patrol.

Dagdag pa ng opisyal, maliban sa mga naunang nang dumating ay may inaasahan pang karagdagang tropa ang ipapadala mula ng Regional Office para maging katuwang ng mga pulis dito sa Aklan.

Nais din umano ni Defensor na maitama ang maling paghahanda kumpara sa mga nagdaang Ati-atihan kung seguridad ang pag-uusapan.

No comments:

Post a Comment