YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 03, 2012

Boracay, “zero casualties” sa paputok; accidental firing, naitala ngayong Bagong Taon

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Malugod na ikinatuwa ng pulis sa Boracay dahil nakamit muli sa isla ang “zero casualty” sa paputok sa pagsaulubong ng Bagong Taon nitong New Year’s Eve hanggang sa kasalukuyan.

Subalit, hindi naman nakaligtas ang isang 67-anyos na lalaki sa bala, mula sa baril ng tricycle driver nitong bagon taon sa Sitio Bantud, Mano-manoc.

Ayon sa PO2 Aven Dela Cruz, sa imbestigasyon nito, ay nililinis ni Jaser Salvador, isang tricycle drive,r ang kanilang Homemade o paltik na baril, nang bigla itong pumutok, at natamaan ang 67-anyos na si Leonsito Reoja habang pababa ng hagdan.

Nagtamo ng tama ng bala ang matanda sa binti, na kung saan, pinapaniwalaang pumasok ito sa kanang binti at tumagos naman sa kaliwang binti.

Kasalukuyan itong ginagamot sa isang pribadong pagamutan sa bayan ng Kalibo, at ang supek ay hawak ng awtoridad.

Subalit, nabatid mula kay P02 Dela Cruz, na hanggang sa ngayon ay hirap pang magsalita ang biktima kaya hindi pa ito nakukunan ng salaysay.

Dahil dito, gayong hindi pa masasampanahan ng kaso ng suspek, posibleng pansamantalang palayain ito ng awtoridad, at maaaring mahulog sa regular filling ang kaso.

Ang suspek at biktima ay magkasama rin sa bahay dahil halos ampon na rin ng 67-anyos ang suspek sa tagal na pamamalagi nito sa tirahan ng biktima.

Samantala, maliban sa insidenteng naitalang ito kasabay sa pagdiriwang ng bagong taon, may ilang aksidente rin sa kalye ang nai-rekord ng himpilang ng Boracay Pulis, gayong din ilang reklamo ng pananakit dala ng nakakalasing na inumin ang naitala nitong nagdaang a-uno ng Enero taong 2012.

No comments:

Post a Comment