YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 05, 2012

Barkong pang-RoRo sa Caticlan, wala ng overloading


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Wala nang oveloading ngayon sa mga pasahero ng Roll-on Roll Off (RoRo).

Ayon kay Caticlan Jetty Port Nieven Maquirang, ito ay dahil 70 at 30% scheme na ipinapatupad sa mga barkong pang-RoRo sa Caticlan sa kasalukuyan.

Napaloob sa scheme na ito na sa bawat barkong maglalayag, dapat ay 70% sa kapasidad o pasahero nito ay magmumula sa mga kumpaniya ng bus na isinasakay sa barko sa Jetty Port.

Ang natitirang 30% naman ng kapasidad nito ay dapat ilalan sa mga walk-in passengers o pasahero mula mismo sa Caticlan katulad ng mga turista at bakasyunista sa Boracay.

Aniya, dapat ding bigyan ng pagkakataon na makasakay ang mga pasahero mula sa isla at hindi puro pasahero lang ng kompanya ng bus mula sa iba’t ibang probinsiya.

Maliban dito, bilang na rin aniya ngayon ang pinapasakay sa mga barko, dahil na rin sa tulong ng turnstile na inilagay sa pantalan kaya bawat daan doon ng pasahero at bilang din.

No comments:

Post a Comment