YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 03, 2012

Isla ng Boracay, “zero casualties” sa mga paputok at “indiscriminate firing”

Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Nitong nagdaang kapaskuhan at bagong taon, Zero casualty sa mga paputok at indiscriminate ang isla ng Boracay.

Ito ang kinumpirma ni Psupt. Gustilo Jr., hepe ng Boracay police station.

Aniya, walang naitalang malalaking insidente ng kriminalidad sa Boracay nitong kapaskuhan at bagong taon.

Idinagdag naman ni PO2 Freginer Jose Decio, imbistigador ng Boracay PNP. Kung may mga naitalang umano’y nabibiktima ng salisi o di kaya’y mga nawawalan ng mga kagamitan partikular sa baybayin ng Boracay. Karamihan umano sa mga ito ay mga dayuhang turista na kadalasa’y nabibiktima dulot ng kalasingan.

Kinumpirma din nito na walang naitalang biktima ng indiscriminate firing o nabiktima ng mga ipinagbabawal na paputok sa isla. 

Samantala, nagpaabot naman ng pagpapasalamat si Psupt. Gustilo sa lahat ng mga tumulong at kooperasyon ng kumunidad sa naging mapayapang kapaskuhan at bagong taon sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment