YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 05, 2012

Pagpoproseso at pagre-renew ng business permits, simula na


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Anumang oras ay pwede nang makapag-apply o mag-renew ng Business Permits, basta’t kumpleto na umano ang mga requirement na hinihingi sa pagpoproseso.

Ito ang inihayag ni Alicia Manlabao, Local Treasury Operation Officer II at In charges sa Assessment at Licensing Department ng Malay.

Aniya, nagsisimula na silang tumanggap basta ang mga kakailanganing dokumento ay handa na rin, lalo na kung hawak na ang total gross sale ng magre-renew.

Ayon kay Manlabao, hanggang Enero 20, 2012 ang itinakda sa pagpoproseso batay sa nakasaad sa Revenue Ordinance.

Pero maaari naman aniyang ipagpaliban ang deadline, iyon ay kung nakita at magpasa ng resolution ang Sangguniang Bayan ng Malay para sa extension.

Ngunit magkaganon man, dahil sa itinakda na ang January 20 at nasa batas ito, kahit may extension pa ay magbabayad pa rin umano ng penalidad at surcharges ang mga hindi nakahabol sa takdang petsa.

Samantala, gayong inaasahang na dadagsa ang magre-renew at kukuha ng permit, nag-paalala si Manlabao na mas mainam kung agahan ang pag-proseso.

Kaugnay nito, inihayag din ng opisyal na maaari naman mag-proseso ng permit sa Action Center sa isla, subalit kung masyadong abala doon ay maari din umanong gawin ang pagpoproseso sa mainland.

No comments:

Post a Comment