Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Nagbigay-paalala ngayon ang Licensing at Assessment
Department ng Malay, na para mapadali at hindi sumablay ang pagahahanda sa mga kakailanganin
sa pag-renew ng business permit, dapat unahin aniya ang pagkuha ng Health
Certificate ng mga empleyado sa mga establishimiyento lalo kung ang mga ito ay
konektado o nagtatrabaho sa restaurant.
Sapagakat ayon kay Alicia Manlabao, Local Treasury Operation
Officer II at In-charges sa Assessment at Licensing Department ng Malay, ito aniya ang pinakahirap kunin dahil
limitado lamang din ang kayang bigyan ng certificate ng Health Center sa isang araw
ng kanilang operasyon.
Maliban aniya dito, naka-iskedyul umano ang pagkuha nito,
kaya para mas madali ang pagpoproseso ay mainam na unahin ito.
Samantala, dahil sa matagal na ring isyu at marami ang
nagtatanong kung kailangan pa bang kumuha ng Heath Certificate ang mga
empleyadong hindi naman nagtatrabaho sa restaurant, nilinaw ni Manlabao na
kailangan pa ring lahat ay kumuha at hinahanap ito sa assessment bilang
requirement sa pagkuha o pagre-renew ng mga business permits, kahit hindi food
handler ang isang indibidwal.
Ang paaalala na ito ni Manlabao ay may kaugnayan sa inaasahang
pahirapan na naman ang pagkuha at paghahanda sa requirement para sa business
permit ngayong buwan.
No comments:
Post a Comment