Posted September 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay

Nagpasaklolo ang
biktimang si Lee Nam Young, 50-anyos at pansamantalang nanunuluyan sa isang
hotel sa Yapak sa mga pulis matapos umanong kinuha ang kanyang bag na naglalaman
ng kanyang passport, credit cards, $316 Dollars, 60,000 Korean Won at mahigit P
50,000.
Kwento ng biktima
naghihintay umano siya na dumating ang tour guide para sa kanilang island
activities subalit hindi nito namalayan na kinuha na pala ng magnanakaw ang bag
nito.
Patuloy sa ngayon
ang ginagawang imbestigasyon ng BTAC sa nabanggit na restaurant kung saan hindi
ito ang unang beses na may ninakawan sa loob mismo ng kanilang establisyemento.
No comments:
Post a Comment