Posted September 11, 2017
Ni Teresa A.
Iguid, YES THE BEST Boracay
Abala
ngayon ang kapulisan ng Boracay PNP lalo na sa nagpapatuloy na kampanya
kontra-droga at mga loose firearms.
Sa panayam ng himpilang ito kay Boracay Tourist
Assistance Center o (BTAC) PSI Jose Mark Anthony Gesulga, nagsasagawa sila
ngayon ng kampanya na Oplan Katok at Oplan Boga kung saan nitong nakalipas na
araw ay ang kanilang Police Personnel sa
Brgy. Manocmanoc upang makipag-coordinate kaugnay sa Oplan Katok at Project
Tokhang: Reboot.
Paliwanag nito, ang Oplan Katok ay ang house visitation o
ang pag-punta sa bahay ng mga nag-mamay-ari ng expired na mga armas upang
paalalahanan na i’renew ang mga dokumento ng mga baril na naka-rehistro sa
Firearms and Explosives Security and Guard Supervision o (FESAGS).
Samantala ang “Oplan Boga” naman umano ay ang pag
surrender o ang pag safe keep ng mga armas sa pinaka-malapit na police station
sa lugar o sa Aklan Police Provincial Office o (APPO) mismo, habang hinihintay
pang ma-proseso ang pag-renew ng papeles nito.
Paalala pa ni Gesulga, ang sinumang mahulihan na
nagdadala o may itinatagong expired na mga armas ay maaaring ma kasuhan ng
Republic Act 10591 o New Comprehensive Firearm Law kaya mas mabuting
i-surrender na ito.
Kasabay ng mga kampanyang ito ay ang back to zero process
ng Project Tokhang:Reboot kung saan mag su-submit ulit ang barangay anti drug
abuse council o (BADAC) ng listahan ng
mga pangalan ng newly identified drug personality na kanilang iva-validate.
Kapag sila ay naging positibo sa isinagawang validation,
sila ay kailangang mag Bio Profile Form o (BPF) at sasailalim sa mga aktibidad
ng isang surrenderee na kabahagi ng drug rehabilitation.
Nabatid na ang Oplan Katok at Oplan Boga ay alinsunod sa utos ni Presidente
Rodrigo Duterte at PNP Chief Ronald Dela Rosa na tumututok sa mga loose firearms
upang hindi ito magamit sa kasamaan.
supreme
ReplyDeleteyeezy gap hoodie
supreme new york
bapesta
kobe byrant shoes
bape
goyard online store
air jordan
jordan shoes
palm angels outlet