Posted September 13, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Naglabas ngayon
ng position letter ang BFI o Boracay Foundation Incorporated na tinututulan ang
proposed tax ordinance ng provincial government ng Aklan na naka-ambang
ipatupad sa susunod na taon.
Bagamat
sinusuportahan ng BFI ang pagpataw ng mas mataas na buwis lalo na sa Real
Estate Taxes, ang mahalaga ay mapunta ito sa infrastructure development ng isla
at sa ilan pang government services.
“Okay lang ang
pagtaas ng Tax, basta bigyan ng aksyon ng probinsya ang kanilang mga proyekto”,
ito ang sinabi ni Sangguniang Bayan Member at BFI President Nenette Aguirre-Graf
sa ginanap na public hearing sa Covered Court ng Nabas kaugnay ng isinusulong
na Tax Ordinance ng probinsiya ng Aklan.
Partikular na
pinunto ni Graf ang tungkol sa lubak-lubak at hindi naaayos na kalsada ng
Boracay at Caticlan pati na ang Senior Citizen at PWD’s umano na sumasakay sa
mga pumpboat sa mga pantalan na wala umanong express lane para sa kanila kung
saan pati ang ospital sa Boracay ay pinuna din nito.
Sa position
letter naman ng BFI na naka address kay Vice Governor Quimpo, sobrang mataas at
hindi makatwiran ang buwis na ipapatupad lalo na at hindi raw ito idinaan sa
konsultasyon bago ibinalangkas.
Umapela rin ang
BFI na payagan silang mag-sumite ng counter proposal na magiging patas para sa
lahat ng sektor dahil naniniwala sila na ang mataas na buwis sa real property ay
makaka-apekto sa mga maliit na namumuhunan at mga trabahador sa isla.
Hiniling rin ng
grupo na dapat ay pag-aralan itong muli ng Provincial Assessor’s Office.
Bago nito,
nanindigan at tumututol din ang Sangguniang Bayan ng Malay lalo na si SB Member
Fromy Bautista sa nasabing proposed tax ordinance.
Ani Bautista,
kawawa ang mga taga mainland Malay kapag ipinatupad ito dahil iba ang estado ng
buhay sa Boracay kumpara sa mga mainland na karamihan ay nagsasaka lang.
Kaugnay nito, naglabas
ng resolusyon ang SB Malay at binigyan sila ng sampunbg araw para magpresent
kung ano ang kanilang pinal na desisyon ukol dito kung saan kung anuman ang
magiging kinalabasan nito ay susuportahan ito ng Boracay Foundation Incorporated
(BFI).
No comments:
Post a Comment