Posted September 11, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
“Walang registration kung walang inspeksyon”.
Ito ang naging pahayag ni Elsa L. Castaños,
Acting Chief ng Land Transportation Office ng Aklan sa panayam ng himpilang
ito.
Nabatid na isasagawang muli ng mga kinatawan ng Land
Transportation Office o (LTO) ngayong Setyembre ang pag-iinspeksyon ng mga
sasakyan tulad ng single-motorbike, tricycle, at mga four-wheel vehicle sa isla
ng Boracay.
Ang pag-iinspekyun bago ang pag-renew ng rehistro ng
sasakyan ay naka- iskedyul tuwing ikatlong Miyerkules kada buwan kung saan ngayong
buwan ay gaganapin sa Setyembre 20.
Ani Castaños, maari
ring mag pa-inspeksyon ang mga mag-i-expired sa Oktubre at Disyembre na
registration.
Ang aktibidad na ito ay upang maabot ang isla
dahil batid ng LTO ang problema at hirap sa pagtawid at pagdadala ng sasakyan
para iparehistro sa Kalibo kung kaya’t sila na ang pupunta rito.
Dagdag pa ni Castaños, pagkatapos ng
inspeksyon ay maaari na silang tumuloy sa smoke emission at bumili ng insurance
at sa oras na makumpleto ang lahat ng requirements ay maari na itong lakarin sa
Kalibo hawak ang mga kompletong dokumento at hindi na kailangang dalhin pa ang
sasakyan.
Nabatid na tatlong taon na nilang isinasagawa
ang naturang inspeksyon sa isla ng Boracay.
Samantala, kung ang e-trike naman ang
pag-uusapan ayon sa kanya ay na check
nila ito at may registration naman ngunit ito ay private at ito ay nakadepende
na sa Management ng Malay .
No comments:
Post a Comment