Posted September 15, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Samut-saring
preparasyon na ang ginagawa ng Probinsya ng Aklan para sa gaganaping Tourism
Week Long Celebration 2017 sa susunod na Linggo September 20 hanggang 23.
Ito ay taunang selebrasyon
na ginagawa ng mga tourism officials sa buong probinsya para ipakita ang
pagpapahalaga at pangangalaga sa turismo ng lalawigan.
Kaugnay nito, isa
sa mga magtatanghal ay mga estudyante ng Boracay National High School Dance
Troupe ang magpapakita ng kanilang talento sa pagsasayaw sa Talento para sa
Turismo na gagawin sa September 21.
Samantala, kabilang
sa mga inaabangan na aktibidad dito ay Buri Bag Decorating Contest, Tinda
Turismo, Tourism Congress, Concierto sa mga Turismo and “Dungog” Awards Night,
Familiarization Tour for PWD’s and Senior Citizens, Tourism Quiz Bee, Laro ng
Lahi at Sabor Akean –Cooking Challenge.
Itong aktibidad ay inorganisa ng Aklan Tourism Officers
Association (AkTOA) at Aklan Provincial Tourism Office (APTO) kasama ang labing
pitong munisipalidad sa probinsya.
No comments:
Post a Comment