YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 12, 2017

KASAFI at Chairman Meñez, ginawaran ng pagkilala ng NEDA

Posted September 12, 2017
Ni Teresa A. Iguid, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 1 personGinawaran ng pagkilala ang Kalibo Santo Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. o (Kasafi) at ang Chairman na si Albert Meñez ng Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency (PNVSCA).

Sa panayam ng himpilang ito kay KASAFI Chairman Albert Meñez, sinabi nitong dalawang kategorya ang kanilang sinalihan, at ito ay ang individual category at organization category.

Aniya mula sa anim na entries para sa organization category, isa ang KASAFI sa dalawang napili na parangalan ng nasabing pagkilala.

Isa rin umano sa tatlong napili mula sa walong entries na gagawaran ng pagkilala si Meñez para naman sa individual category .

Pahayag ni Meñez, ito ang unang pagkakataon na nakatanggap sila ng pagkilala bagamat madalas naman silang nominado.

Ang pagkilala ay iginawad ng NEDA sa kanilang Regional Development Concil VI meeting noong September 8 ng taong kasalukuyan.

Samantala, ang nasabing pagkilala ay isasali rin sa nasyonal na paparangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buwan ng Disyembre.

Ang PNVSCA ay sa ilalim ng National Economic and Development Authority(NEDA), ang ahensya kung saan sa  pamamagitan ng kanilang taunang Search for Outstanding Volunteers (SOV) ay gumagawad ng pagkilala sa mga volunteer groups at natatanging indibidwal sa buong bansa.

No comments:

Post a Comment