Posted June 29, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Dahil sa mga nangyayaring kaguluhan partikular ang
nangyaring insidenete sa Resorts World Manila na ikinamatay ng maraming katao,
nagsagawa ang kapulisan ng Security Summit para sa mga enforcers at Security
Guard sa Boracay nitong Sabado.
Ayon kay Civil Security Unit 6 SSUPT. Jomil John Trio sa
pagbisita niya sa 21st Regular Session ng Malay, ibinahagi niya ang kanilang
ginawang pulong kung saan layunin umano nito na dapat magtulungan upang
mapanatili ang kaayusan sa isla.
Dito, ibinahagi niya kung ano ang mga dapat gawin
sakaling magkaroon ng kaguluhan o ano mang banta.
Ani Trio, ang Security Guard umano ang dapat siyang
nagpo-protekta at nag-mi-mintina ng seguridad lalo na sa mga turistang
nagbabakasyon sa isla.
Dagdag pa nito, dapat paghusayan pa ang training ng mga
Security Guard at kung makatanggap man ng anumang terror threat sa isang
establisyemento, isa umanong kailangan dito ay ang teamwork.
Dapat umanong paigtingin ang security plan ng mga ito
kung saan ano mang mga kaguluhan na pwedeng mangyari ay dapat ipagbigay alam
agad nila ito sa kapulisan ng sa gayon ay hindi na lumaki o kumalat ang isang
gulo sa kanilang area.
Samantala, mahigit dalawang daan umanong Security
Managers ng Hotel/ Resorts at mga establisyemento ang umattend sa isang araw na
pulong.
No comments:
Post a Comment