Posted June 26, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Walang naitalang
insedente ng pagkalunod sa selebrasyon ng kapistahan ni San Juan de Bautista sa
isla ng Boracay.
Ayon sa MDRRMO
Malay, naging okay ang kanilang ginawang monitoring sa pagbabantay sa kahabaan
ng long beach lalo na sa mga turista at residenteng naliligo.
Ito’y dahil meron
umano silang itinalagang nag pa-patrol at nagbabantay sa beach area upang
lapitan ng mga tao sakaling mangailangan ng tulong.
Bagamat generally
peaceful and selebrasyon, may ni-respondihan daw wila nitong Sabado, ang pitong
taong gulang na batang lalaki na umano’y pinulikat habang naliligo subalit ito
ay naging maayos matapos malapatan ng
First Aid.
Nabatid na
naglaan din ng ‘Special Deployment’ang mga kapulisan sa isla maliban sa
monitoring ng Philippine Coastguard, Philippine Red Cross, Life guards at ilan
pang force multipliers sa nasabing selebrasyon.
No comments:
Post a Comment