Posted June 29, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Sa kanyang naging Privilege Speech nitong Martes sa 21 st
Regular Session ng Malay, umaapela si Pagsuguiron sa kanyang mga kasamahan sa
plenaryo na tulungan ang mga residente sa Marawi City.
Aniya, inihalimbawa nito ang pagtulong sa ibang lugar ng
bayan kung saan pwede umanong mag-contribute ang LGU-Malay ng kaunting tulong
para sa mga ito.
Sumang-ayon naman dito si SB Jupiter Gallenero sa
kagustuhan ni SB Pagsugiron.
Subalit ayon kay Liga President Julieta Aaron, dapat
umanong dumaan sa maayos na proseso para hindi magka-problema sa Commission on
Audit.
Sinagot naman ito ni Gallenero na maiintindihan ito ng
COA dahil donasyon ang ibibigay sa mga evacuees.
Samantala, itong usapin ay ini-refer Vice Mayos Sualog sa
opisina ng Municipal Budget Office at Municipal Accountant.
No comments:
Post a Comment