YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 28, 2017

Media Forum, matagumpay na idinaos

Posted June 26, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 5 people, people sitting and indoor

Naging matagumpag ang idinaos na Media From nitong nakaraang Sabado sa Aklan Training Center sa Old Buswang, Kalibo.

Nabatid na  mahigit dalawang-daan ang dumalo na kinabibilangan ng mga Media sa Aklan, Capiz, Iloilo, Department of Education, Aklan Police Personel, Stakeholders, mga estudyante ng Northwestern Visayan Colleges ( NVC), at marami pang iba.

Naging bisita sa pagpupulong ang mga opisyales na nasa ilalim ng Duterte Administration kung saan tig- iisang topiko ang kanilang ibinahagi sa mga tagapakinig na dumalo sa naturang pulong.

Kaugnay nito, dahil sa mga nais ipa-abot ng Administrasyong Duterte sa taong bayan, isa sa mga pinag-usapan dito ang tungkol sa Federalism at Anti-Illegal Drug Campaign ni Undersecretary John Castriciones, Tourism Thrusts Under the Duterte Administration ni Frederick Alegre ng Department of Tourism at Climate Change Adaptation and Mitigation ni Former Senator Heherson “ Sonny” Alvares.

Dito, mariing sinabi ni Castriciones na ang solusyon sa problema sa droga ay simulan dapat sa pag-iingat ng pamilya.

Dagdag nito, kung pederalismo naman umano ang pag-uusapan ilan sa mga napuntahan nilang rehiyon sa bansa ay malaki ang paniniwala sa isinusulong na pederalismo kung saan aniya malaking tulong umano ito sa probinsya.

Sa kabilang dako, ayon kay Alegre nais nilang ipa-abot sa publiko na dapat mapanatili ang likas na yaman ng Pilipinas kung saan dapat labanan ang terorismo na maka-apekto ng mga turistang tumutungo dito at siyang pwedeng sumira umano ng yaman ng ating bansa.

Kailangan din umano nating humanap ng paraan para ma-preserve ang mga isla na ating tourist destination.
Sa naging topiko na Paris Agreement ni dating Senator Alvarez, partikular na hinikayat nito ang paggamit ng Solar Panel at magtulong-tulong umano ang publiko upang masulba ang problema sa Climate Change.

Samantala, sa pagtatapos ng Forum naging masaya at napuno ito ng katanungan ng mga nakinig sa naturang usapin.

Ang media forum ay inorganisa para bigyang karangalan ang namayapang former Aklan Congressman Allen Salas Quimpo.

No comments:

Post a Comment