Posted June 29, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Naging usapin sa 20th Sangguniang Bayan ng Malay ang
hinggil sa Catcha bag na balak ibigay sa mga turista kapalit ng kanilang
ibinabayad na Environmental Fee sa pagpasok sa Boracay.
Sa naging Privilege Speech ni SB Nenette-Graf, Chairman
ng Committee on Environment, gagawa umano siya ng Resolution na taasan ang
Environmental Fee ng mga turistang pumapasok at lumalabas sa isla.
Sa ganito umanong hakbang, ilalaan umano ang halaga para
sa Catcha Bag na ibibigay sa mga turista bilang kapalit sa kanilang ibinabayad
na Environmental Fee.
Dagdag pa ni Graf, layunin nito ay para ipaabot na hindi
suportado ng mga Malaynon at Boracaynon ang paggamit ng plastic.
Samantala, ang bag na ibibigay sa mga turista ay may
nakalagay umano na logo ng Malay at kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin
dito kung saan gagamitin nila ito bilang kanilang Shopping Bag.
Sa panig naman ni Vice Mayor Sualog, kakausapin nila ang
kanilang mga Business Partners na makapag-provide nito.
Ang usapin ay may kaugnayan sa pagpapatupad ng plastic
ordinance sa susunod na buwan, kung saan ang hakbang na ito ay magbibigay din
umano ng malaking tulong sa pangkabuhayan ng mga Malaynon.
No comments:
Post a Comment