Posted June 29, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Inimbitahan sa 21st Regular Session ng Malay ang mga
kinatawan sa ilalim ng LGU-Malay may kaugnayan sa kanilang ginagawang
preparasyon para sa dalawang port na ginagamit tuwing Habagat Season.
Sa pagtatanong ng mga konsehal, inilatag ni Chief Tourism
Operations Officer Felix Delo Santos ang paghahanda ng kanilang opisina
sakaling gagamitin na ang Tabon Port.
Pagdadagdag ni Tabon Port Administrator Abcedes Dela
Torre, kung seguridad ang pag-uusapan, nag-request na umano ito ng CCTV at
X-ray machine sa opisina ng alkalde para mailagay sa naturang Port.
Sa daloy ng trapiko at kaayusan ng kalsada sa pantalan ay
pinasiguro ni Transportation Office Head Cezar Oczon na aayusin nila ang dapat
ayusin kung pagbabatayan ang ilang suhestyon mula sa mga SB Member lalo na sa
loading at unloading area.
Nais din ng mga konsehal na panatilihing malinis ang
lugar at ipatupad ang pag check sa lahat ng gamit ng mga pumapasok.
Samantala, ayon kay Felix Delos Santos ay nagkaroon na
umano sila ng meeting kung saan isa sa kanilang pinag-usapan dito ay magkaroon
ng simultaneous exercises sa Tabon Port, command operation at flow operation.
No comments:
Post a Comment