Posted March 31, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
“Nakaka-alarma”.
Ito ang naging pahayag ni Sangguniang Bayan Member
Floribar Bautista sa kaniyang Privilege Speech kung saan kaniyang pinuna ang patuloy
na construction ng iba’t-ibang establisyemento sa isla na walang kaukulang permit.
Ani Bautista, dapat i-monitor ang mga lumalabag na ito
dahil nakaka-alarma na ang kanilang ginagawa.
Ang pahayag ay nag-ugat mula sa kopya ng liham na
ipinadala sa Sangguiniang Bayan ng Malay na ipinapaalam ni MPDC Head Alma
Belejerdo kay Mayor Cawaling na merong anim na proyekto kabilang ang opisina ng
isang sikat na mall na itatayo sa Manoc Manoc ang walang Zoning Clearance.
Nakapaloob sa sulat na base sa monitoring na ginawa ng
kanilang inspector, ito umanong mga may-ari ng residential building at mga establisyemento
ay patuloy pa rin sa kanilang konstruksyon na walang kaukulang Zoning Clearance
kahit pa nabigyan na ang mga ito ng
notice of violations.
Nabatid na nakapaloob sa zoning ordinance ang mga regulasyon
o batas na tumutukoy sa kung paano ang tiyak na paggamit ng isang ari-arian sa
isang geographic zone.
Nakasaad din sa sulat ang rekomendasyon ni Belejerdo na
ipatupad na sa lalong madaling panahon ang Municipal Ordinance 131 at 337 para
matigil na ang iligal na aktibidad sa mga project site na natukoy.
Kasabay nito, hangad naman ngayon ng kanilang opisina na
maaksyunan ito ng Alkalde.
No comments:
Post a Comment