Ni Inna Carol L. Zambrona,
YES FM Boracay
Ito ang susi sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng isang
solong Aklanon na nakapag-graduate sa Philippine National Police Academy (PNPA)
“Masidlak” Class.
Isa sa mga naka-graduate sa PNPA ngayong taon ang
22-anyos na si Police Insp. Ryan de Mateo Valenzuela ng Brgy. Old Buswang,
Kalibo.
Nabatid na nag-aral ng kanyang Elementarya si Valenzuela sa
Bakhao Sur Elementary School at nag-high school sa Aklan National High School
for Arts and Trade.
Nagkolehiyo naman ito sa Northwestern Visayan Colleges o
(NVC) sa kursong Education bago pumasok sa PNPA.
Si Valenzuela ay nagtapos nitong Biyernes sa Camp
CastaƱeda, Silang, Cavite kung saan naging pangunahing bisita dito si Pangulong
Rodrigo Duterte.
No comments:
Post a Comment