Monday, March 27, 2017

Bahay kubo na nasunog kahapon, umano’y pagsiga ng caretaker ang tinuturong dahilan

Posted March 27, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for sunogUmano’y pagsiga ng caretaker ang tinuturong dahilan kung bakit nasunog ang isang abandonadong bahay kubo sa Sitio Cagban Brgy. Manocmanoc, Boracay kahapon.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay, nagsimula ang sunog bandang 10:30 ng umaga kung saan agad naman nilang ni-respondihan ang lugar.

Sa kanila umanong imbestigasyon, bago sumiklab ang sunog ay nagsiga pa umano dito ang caretaker na sinasabing dahil sa malakas na hangin kung kaya’t mabilis na kumalat ang apoy.

Bagama’t ito ay bahay kubo lamang, ngunit tinatayang mahigit kumulang P10K ang halagang tinupok ng apoy na gawa sa light materials, kung saan tumagal ng 30 minuto ang pag-apula ng mga bumbero.

Samantala, muling paalala ng BFP-Boracay ibayong pag-iingat parin ang kinakailangan upang maka-iwas sa posibleng maging sanhi ng mga sunog.

No comments:

Post a Comment