Posted March 31, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Naka- alerto na ngayon ang hanay ng kapulisan sa isla ng
Boracay para sa Super Peak Season at LaBoracay.
Sa panayam kay BTAC Chief Intelligence PInsp Joey Delos
Santos, nasambit nito na ang BTAC ay laging handa sa mga gaganaping aktibidad
sa isla lalo na ang papalapit na LaBoracay .
Ang kanilang ilalatag na seguridad umano ay iba-base sa nakalipas
na LaBoracay dahil batid nito mas marami
ang dadalo dahil sa mga summer events na tulad nito.
Tiniyak din ni Delos Santos na mayroon silang sapat na
bilang na mga pulis para dito kung saan ang kabuuang 159 ay madadagdagan pa ng
limampung mga police officers.
Tututok din daw ang mga kapulisan sa kahabaan ng
frontbeach ng isla kung saan mas maraming nai-rereport na mga insidente.
Dagdag pa ni Delos Santos, patuloy pa rin ang kanilang
operasyon at pamimigay ng mga leaflets sa publiko, bakasyunista at mga turista,
kasabay ng paalalang huwag iiwan ng basta-basta ang kanilang mga gamit at ibayong
pag-iingat din at palaging maging vigilante sa mga aktibidad na kanilang
ginagawa sa isla.
Bukod dito, ipinaabot din nito sa mga organizers ng
aktibidad na sila ay kasama sa mananagot sakaling may mangyaring hindi maganda
sa event.
Kaugnay nito, nagbigay din ng mensahe si Delos Santos sa
mga resort owners na bigyan nila ng paalala ang kanilang mga guest para
maiwasan ang mga insidente ng pagkawala ng kanilang mga gamit.
Magugunitang sa nakalipas na taon, nakapagtala ng mahigit
sa 11,000 ang bilang ng dumalo sa LaBoracay kung kaya’t inaasahan ngayon taon
ang paglobo ng numero sa 13,000 hanggang 14,000 dahil na rin sa dagsa na ang
mga bakasyunista at turista sa isla lalo na sa holiday break.
No comments:
Post a Comment