Friday, January 27, 2017

Sekyu sa ASU-Ibajay, binaril-patay

Posted January 27, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for shooting incidentPatay ang isang security guard matapos na barilin ng di pa nakilalang suspek sa Bayan ng Ibajay kagabi.

Kinilala ang biktima na si Edilberto Magwale Jontilano, 53- anyos, may asawa at residente ng Brgy. Poblacion, Ibajay.

Ayon kay PO3 Venus Olandesca ng Ibajay MPS, nakatanggap umano sila ng tawag galing mismo sa guwardiya ng paaralan ukol sa nangyaring pamamaril na agad namang nirespondehan ng pulisya.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad at base na rin sa mga bystanders na nasa labas ng nasabing paaralan na naka-motor ito habang binabaybay ang kalsada papuntang ASU para mag- duty ng bigla na lamang may nag overtake na motorsiklo at sa walang dahilan ay binaril nito ang una.

Nabatid na nagawa pa umanong i-park ng mga suspek ang kanilang motor kung saan bumaba ang backrider nito at nilapitan pa ang biktima at walang kaabog- abog pa itong pinagbabaril at nang masigurong ito ay patay na ay agad na umalis ang mga suspek.

Nabatid na nakita ang katawan ng biktima na nakabitin sa steel barrier ng kalsada kung saan ideneklara itong patay.

Samantala, tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Ibajay PNP sa nangyaring pamamaril at para sa pagtugis ng mga suspek.

No comments:

Post a Comment