Tuesday, January 24, 2017

Illegal Recruiter, arestado sa Kalibo International Airport

Posted January 24, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for illegal recruiterArestado ang dalawang Immigration Officer, tatlong illegal recruiter, tricycle driver at porter matapos magpapasok ng illegal na OFW sa Kalibo International Airport.

Naaresto ang dalawang miyembro ng Bureau of Immigration at tatlong illegal recruiter na sina Alexander Gallego Jr. ng Antipolo City, Carla Panaguiton at Jed Panaguiton ng Quezon City sa Kalibo International Airport matapos itong ituro ng apat na mga biktima na pupunta sanang Malaysia.

Kasama pang inaresto dito ay ang dalawang Immigration Officer matapos itong tulungan ang mga biktima na makapuntang abroad habang huli rin ang driver na si  Joler Talas ng Bakhao Sur Kalibo at porter na si John Mapendan ng Mabilo New Washington.

Nabatid, ayon sa mga biktima illegal umano ang kanilang pagpunta sa ibang bansa ito’y dahil wala silang hinahawakan na dokumento na galing sa nasabing ahensya ng gobyerno.

Sa report pa ng mga biktima noong buwan umano ng Nobyembre, nagpapapasok na umano ang mga suspek sa Airport kung saan illegal itong pinapa-trabaho sa abroad.

Kaugnay nito, malaking tulong sa mga otoridad ang nangyaring operasyon kung saan katuwang nila dito ang DSWD, Labor, POEA at Department of Justice.

No comments:

Post a Comment