Tuesday, January 24, 2017

Renewal ng Business Permit, extended hanggang katapusan ng Pebrero

Posted January 24, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for extendedExtended na hanggang Pebrero bente-otso ang deadline sa pagre-renew ng business permit sa buong bayan ng Malay.

Inaprobahan ng komite kanina sa Sangguniang Bayan ng Malay ang request ng opisina ni Mayor na  i-extend ang filing ng renewal ng mga Business Permit kung saan ang aktwal sana na na pag-renew nito ay hanggang Enero 20.

Kasabay nito, wala naman umanong idinagdag na requirements para sa pag-proseso o pag-renew ng business permit.

Nabatid kasi na may idinagdag noon na requirements katulad ng SSS at PHILHEALTH para sa mga empleyado maliban sa pagkuha ng health card at PESO Certificate na taunang nire-renew.

Kaugnay nito, malaking tulong ang pag-extend sa pag-renew ng business permit sa mga negosyante lalong-lalo na sa mga maraming empleyado.

No comments:

Post a Comment