Thursday, January 26, 2017

Dahil sa papalapit na Chinese New Year, turista dagsa sa Boracay

Posted January 26, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for chinese new year 2017
Dagsa na umano sa isla ng Boracay ang mga turista kung saan karamihan ay mga  Chinese National dahil sa papalapit na selebrasyon ng Chinese New Year sa Enero 28.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Jetty Port Administration, handa na umano sila sa pagpasok ng peak season kung saan nakalatag  ang preparasyon ng Caticlan Jetty Port sa mas pinaigting na seguridad para sa mga turista.

Nabatid na makikita sa Caticlan at Cagban port ang mga hanay ng kapulisan maging ang mga guards sa mga ports para sa mas organisado at maayos na paglabas-pasok sa mga pantalan na nabanggit.

Kaugnay nito, nakahanda naman umano ang mga medical groups sakaling may emergency na mangyari.

Samantala, ayon din kay Pontero patuloy naman umano ang loading at unloading ng mga bangka at ang dahilan lang ng pagkadelay dito ay bunsod ng malakas na ihip ng hangin at kung minsan ay ang maalon na karagatan.

No comments:

Post a Comment