Friday, January 27, 2017

Mga hotel sa Boracay nasa 80-90 % bookings na para sa Chinese New Year – DOT

Posted January 27, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for chinese new year 2017
Isang araw bago sumapit ang Chinese New Year ay nasa 80 hanggang 90 porsyento na ang bookings sa mga resort o hotels sa isla.


Maliban dito, sa panayam kay  DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, pahirapan na umano ngayon ng pag-book sa mga hotels lalo na kung walk-in.

Aasahan umano ang pagkakaubusan ng mga available na rooms dahil nakikita nito ang pagdagsa ng tsinong turista dahil na rin sa state of warming-up ng bansang China at Pilipinas.

Pinaabot naman ni Veleta sa mga turista at maging sa kapwa Pilipino na i- secure ang kanilang mga gamit  para maiwasan ang mga di-inaasahang insidente habang nagsasaya.

Samantala, inaasahan na mahigpit ang seguridad na ilalatag ng Boracay PNP lalo pa at magkakaroon ng mga malalaking events maliban pa sa mga fireworks display na mangyayari sa long beach ng isla.

No comments:

Post a Comment