Friday, January 27, 2017

Aklanon fashion designer, kasama sa glam team ng bansang Sierra Leone sa Ms. Universe

Posted January 27, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Photo Credit by the Owner
Kasama sa glam team ng bansang Sierra Leone sa Ms. Universe ang Aklanon fashion designer na si Jeff Jussel Silvestre, 23-anyos tubong Camanci Norte, Numancia, Aklan.

Nabatid na si Silvestre ang gumawa ng dalawang damit ng kandidata ng Sierra Leone na kanyang gagamitin para sa Ms. Universe.

Isang gown at dress umano ang kaniyang ginawa para kay Ms. Universe Candidate Hawa Kamara kung saan siya rin umano ang nag-turo kay Hawa na mag-makeup ng kanyang sarili kahit meron silang makeup artist sa Ms. Universe.

Naging bahagi ng glam team si Silvestre dahil na rin sa kahilingan at paghingi ng tulong ng grupo ni Kamara sa pamamagitan ng Facebook, lalo pa nga’t ito rin ang unang beses na sila ay sasali sa naturang beauty pageant.

Ang Aklanon na si Silvestre ay nagtapos ng HRM sa Garcia College of Technology at nag-aral ng fashion designing sa Manila, kung saan may mga ginawa na umano itong fashion shows at nagpaplano na gawin ito sa probinsya ng Aklan para makita rin ng mga Aklanon ang kanyang maniobra.


No comments:

Post a Comment