Thursday, January 05, 2017

Phase 1 sa ipinapatayong ospital sa Boracay, nakatakdang buksan

Posted January 5, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image may contain: people standing and outdoorNakatakda ngayong buksan ang Phase 1 sa ipinapatayong bagong ospital na Don Ciriaco S. Tirol Memorial Hospital (DCSTMH) o mas kilala sa tawag na Boracay Hospital.

Ito ang sinabi ni Lily Ann Eslabra Medical Officer 4 ng ipinapatayong ospital.

 Aniya, pansamantala umanong bubuksan sa Enero 25 ang Phase 1 ng naturang ospital subalit para lang muna ito sa Out Patient Department.

Ito umano ay bahagi na rin ng preparasyon para sa nalalapit na ASEAN Summit at para rin sa mga mamayan ng Malay at Boracay.

Sinabi nito, na patuloy parin  ginagawa ang Phase 2 at 3 ng ospital kaya hindi pa ito pweding magamit.

Image may contain: outdoorKaugnay nito, meron umanong 35 bed ang ospital kung saan hinihintay na lang ma-deliver ang ibang mga equipment dito.

Nabatid na meron ng mga nakatakdang espesyalistang doktor para dito subalit kulang sila ng dalawa kaya naghahanap sila ngayon ng bagong aplikante.

Kaugnay nito, may sampu na ring mga nurse ang ospital, ngunit may apat pa silang kailangan dito.

Sinabi pa ni Eslabra nakatakda umano nilang imbitahan ang mga stakeholders sa Boracay upang pag-usapan ang proyekto at kung ano ang kanilang maiitulong sa naturang ospital.

No comments:

Post a Comment