Wednesday, January 04, 2017

Mutya it Kalibo Ati-Atihan Festival 2017, malapit ng matunghayan

Posted January 4, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for kaliboatiatihan 2017Malapit ng matunghayan ang isa sa mga na prestihiyosong beauty event sa Aklan na inaabangan sa taong ito na may kaugnayan sa selebrasyon ng Ati-atihan Festival.
Dalawang araw na lamang ang hinihintay para sa pagrampa ng mga kandidata sa nalalapit na “Mutya it Kalibo Ati- Atihan 2017” na gaganapin sa January 6, 2017 sa Gov. Augusto B. Legaspi Sports and Cultural Center sa Kalibo, Aklan.

Magtatagisan ang labing-anim na kandidata sa patimpalak na mayroong apat na kategorya para sa swimsuit, production number, evening gown, Ati-Atihan Festival costume at para maiuuwi na ang korona sa patimpalak na ito.

Ang mga kandidata ay kinilalang sila Harriette Panagsagan, Gillian Christine Bartolome, Eleonora Valentina Laorenza, Kimberly Joy Dalida, Camille Fate Santos, Honey Christy Bandiola, Eirene Mae Cuare, Janelyn Salido,Theodora Elizabeth Laorenza, Jazzine Mae Andres, Rose Fuerte, Khadine Hontiveros, May Adel Ahmed Salman, Cleorodizel Baruela, Ma. Andrea Paula Gabay, at Rosebella Arbon.

Sa kabilang banda,inaasahan ang pagbisita ng ilang artista at mga beauty queens tulad na lamang nina GMA TV network singer James Wright, Miss Global Pilipinas 2016 at Miss Global first runner-up Camille "CJ" Hirro, 2015 Binibining Piipinas International Janicel Lubina, at Miss Tourism Queen International Pilipinas 2016 Nancy Lee Leonard.

Samantala, handang-handa na si outgoing Mutya ito Kalibo Ati-Atihan 2016 Michelle Lou Tordecillas Dela Cruz na ipatung ang korona sa susunod na festival queen.


No comments:

Post a Comment