Tuesday, January 03, 2017

Lalaki sa Boracay; napagdiskitahan, sinaksak

Posted January 3, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for stabbing incidentNakatanggap ng tawag ang Boracay PNP matapos umanong may mangyaring pananaksak sa Brgy. Balabag, Boracay noong biyernes.

Ayon sa blotter report, kinilala ang biktimang si Carlo Angelo Padin Estrellanes, 21-anyos, tubong Brgy. Igbaras, Iloilo na pansamantalang nanunuluyan sa Sitio Hagdan, Brgy. Yapak, Boracay.

Naglalakad umano sa kalsada ang biktima matapos itong bumili ng sigarilyo, nang makasalubong nito ang di nakilalang lalaki na papalapit sa kanya, at walang anuman ay bigla na lamang itong sinaksak ng kutsilyo. Sinubukan pa umano ni Estrellanes na harangin ang pag- atake nito ngunit nagtamo pa rin ito ng tama sa kanyang kaliwang balikat.

Agad naman umano siyang umuwi sa kaniyang tinutuluyan at nagpasaklolo sa kaniyang mga boardmates, kung saan dinala siya ng mga ito sa isang klinika upang malapatan kaagad ng lunas.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng Hot pursuit operation ang mga otoridad para sa pag- aresto sa di nakilalang suspek.

Samantala, dineklara namang out patient na ang biktima sa nasabing klinika.


No comments:

Post a Comment