Tuesday, January 03, 2017

Isla ng Boracay, nakapagtala ng zero fire cracker at bullet incidents nitong Pasko at Bagong Taon

Posted January 3, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for boracay pnpSa kabila ng pagdagsa ng mga local at foreign tourists, nakapagtala ng Zero fire Cracker at bullet incidents ang isla ng Boracay nitong pasko at nagdaang bagong taon.

Labis naman ang pasasalamat ng Boracay PNP dahil dito.

Ayon kay Senior Police Officer 2 Christopher Mendoza ng BTAC, kasabay din umano ng kanilang pagtutulungan kasama ang iba pang mga law enforcer’s ay wala ring malalaking krimen o insidenteng naiparekord sa kanilang himpilan, maliban na lang sa away pamilya.

Nakamit ang kapayaan sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, dahil na rin sa seguridad na ipinatupad ng mga otoridad sa isla.

At sa kabuuan, ikinatuwang inihayag ni Mendoza na naging mapayapa at masaya ang selebrasyon ng Pasko at bagong taon sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment