Tuesday, January 03, 2017

LGU-Malay may bago ng Legal Officer

Posted January 3, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Photo Credit: PCTV
May bagong talaga na ngayong Legal Officer ang Lokal na Pamahalaan ng Malay.
Kanina sa 1st Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Malay, kinilala ang bagong Legal Officer sa katauhan ng abogadong si Melanio Prado Jr.

Dahil sa pagkatalaga kay Prado, binuksan ni Bautista ang usapin tungkol sa building construction sa isla kung saan lumalabas na imbes ang LGU ang mag-file ng kaso ay ito pa umanong mga violators ang nagfi-file ng reklamo sa kanila.

Aniya, natatakot umano kasi ang mga nagpapatupad ng ordinansa dahil wala umanong Legal Officer.

Dahil dito, nagpapasalamat naman ang Sangguiniang Bayan  sa pagkakaroon ng bagong Legal Officer sa bayan ng Malay at tiwala naman sila na matutulungan sila ni Prado sa lahat ng kanilang mga implementasyon lalong-lalo na ang mga ordinansa.

No comments:

Post a Comment