Tuesday, January 03, 2017

Foreign National, ninakawan ng isang babae sa Boracay

Posted January 3, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for theftDumulog sa Boracay PNP station ang isang foreign National matapos umanong itakbo ng nakasama nitong babae sa Brgy. Balabag, Boracay ang kaniyang pera.

Sumbong ng turistang si Hyder Paul Robert,52-anyos,pansamantalang nanunuluyan sa isang hotel sa nasabing lugar nagwithdraw umano ito ng perang nagkakahalaga ng sampung libong piso kasama ang suspek na kinilalang si Racel Ygay, 24- anyos na tubong Pinamungajan, Cebu noong Biyernes.

Nabatid na pagkatapos ng mag-withdraw, gumala pa umano ang dalawa bago bumalik sa hotel. At naalala pa ng lalaki  na may natitira pa itong walong libo na inilagay niya sa isang plastic pouch at inilagay din sa bagahe nito kasama pa ng iba nitong mga gamit.

Ngunit ng kaniya ng usisain ang kaniyang pera, dito niya nalamang dalawang libong piso na lamang ang natitira.

Hinala nito na si Ygay ang kumuha dahil bago mawala ang kanyang pera ay nakita umano niya ang babae na pumasok sa kwarto, at pagkatapos umano ng pangyayari, ay hindi na rin nagpakita si Ygay kung saan sinubukan pa nitong kontakin ang una, ngunit unattended na ang cellphone nito.

Sa ngayon, ay patuloy pa ang imbestigasyon ng Boracay PNP sa nasabing pangyayari.


2 comments:

  1. All of us on Boracay Station 2 are very sorry about this matter Sir Paul. We hope you file a charge against Ms Racel Tgay and the policeman can get back your stolen money soon.

    ReplyDelete
  2. Hey guys, just seen this comment. Thanks for the thumbs up. Don't worry, I'm doing fine. I've moved on and glad that this girl is out of my life. Karma will catch up with her sooner or later.

    ReplyDelete