Tuesday, November 22, 2016

Public Hearing para sa Wage Increase, tinalakay sa Boracay

Posted November 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for wage increaseIsang Public Hearing ang isinagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 6 hinggil sa wage increase ng mga manggagawa sa probinsya Aklan.

Naging pangunahing panauhin si Regional Tripartite Wages Productivity Board Region 6 Atty. Aileen Valaquio kung saan tinalakay nila dito ang tungkol sa wage increase petition para sa minimum wage earners sa rehiyon.

Nabatid na dinaluhan ito ng mga empleyado at stakeholders magmula sa ibat-ibang establisyemento sa probinsya.

Kaugnay nito, nasa deliberation na umano ang naturang usapin kung saan sinabi nito na marami pang dapat pag-usapan bago muling magtaas ng sweldo.

Ang usapin sa pasahod lalo na sa isla ng Boracay ang isa sa matagal ng nais hingan ng tulong ng mga manggagawa sa DOLE dahil na rin sa mataas na cost of living sa Boracay na kadalasan ay wala ng take home pay ang mga empleyado.

No comments:

Post a Comment