Posted November 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Inalmahan ng
ilang Seasports Operators ang ginagawang bagsak-presyo na ginagawa ng mga
illegal commissioners.
Sa ginanap na
sesyon kahapon sa Sangguniang Bayan ng Malay, isa-isang nagpaabot ng kanilang pag-alala
at pangamba ang mga asosasyon at operators base narin sa kanilang natatanggap
na reklamo sa mga tao.
Ani Megan Kuan ng
Boracay Chinese-Taiwanese Tour Guide Association Inc., kung ang mga hi-jackers
ay nagtataas ng presyo, naman ang ginagawa ng mga komisyoner sabay
sambit na mas maganda kung may enforcer tulad ng “TREU”.
Samantala, ayon
kay BIHA- Chairman Rigoberto Gelito, mas mataas pa umano ang kita ng mga illegal
commissioner kesa sa mga operators at kooperatiba dahil sa ganitong kalakaran.
Nagrekomenda
naman si Punong Brgy. Lilibeth Sacapaño na huwag tanggapin ng mga operators ang
mga commissioners or markerter na walang i-papakitang I.D.
Nagbigay ng
suhestyon Si Mike Martellino Presidente ng Boracay Association of Scuba Diving
Schools na maglagay ng mga sign doors para sa Aqua Sports para malaman ng mga
turista ang presyo upang wala ng mabiktima pa.
Kaugnay nito,
nais naman ni Delos Santos na isailalim muna sa seminar ang mga tour guide kasama
ang mga resorts coordinators na lehitimo.
No comments:
Post a Comment