Posted November 24, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Aminado ngayon si
Executive Assistant IV Rowen Aguirre ng Office of the Mayor na mahirap kontrolin
ang mga nangungumisyon sa long beach ng Boracay.
Isa sa mga naisip
nitong solusyon ay supilin o ikulong na lamang ang mga iligalista.
Kung pagbabasehan
kasi ang karanasan ni BIHA Chairman Rigoberto Gelito, dapat na itong matigil at
masawata dahil nakakahiya na umano itong mga nangyayari dahil kung titingnan
isang dipa na umano ang kapal ng mga sa pulisya maliban pa sa postura
ng mga kumisyoner na walang damit at tadtad ng tattoo.
Pag-amin naman ni
Megan Kuan ng Boracay Chinese-Taiwanese Tour Guide Association Inc., sila umano
ang umaabono sa mga tinakbuhang guest na hindi sinipot ng mga nagpakilalang
commissioners ng island activities.
Sa sesyon nitong
Martes, nagbahagi ng kanyang suhestyon si Aguirre na papatawan umano agad ng penalidad na pagkakulong sakaling may
pag-amyenda sa kasalukuyang ordinansa kesa bibigyan pa ng first at second
offense dahil muli lang itong lalabag sa kanilang ordinansa na ipapatupad.
Aniya, kahit ano
pang regulasyon ang ipasa ukol dito hindi din naman agad masosolusyunan ang
naturang problema. Kaya mas mabuti na tanggalin na ang mga iligal na
nangungumisyon dito sa isla.
No comments:
Post a Comment