Monday, November 21, 2016

Binatang nagbigti sa Batan, patay

Posted November 21, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for bigti
Nakatanggap ng tawag ang Batan PNP matapos makita ng

mismong ama na nakabitin na ang kanyang anak
sa kwarto nito gamit ang pinangtaling kumot sa Brgy. Mandong, Batan, Aklan.

Ang biktima ay kinilalang si Kevin Panado Laurente, 22-
anyos,residente ng naturang lugar estudyante ng Batan Integrated College of
Technology, at On-The-Job Training ng Batan MPS.

Sa panayam ng himpilang ito kay PO3 Kenneth Katuiran
tumawag ang Brgy. Captain ng naturang lugar para mag-report sa nasabing
pangyayari.

Salaysay ng ama ng binata, napansin niya umano na
nakasindi pa rin ang ilaw nito sa kwarto kung kaya’t pinuntahan niya ito.
Nagulat na lamang siya ng makitang nagbigti ito. Agad niya itong ibinaba sa
pag- aakalang mabubuhay pa subalit ito ay malamig ng bangkay.

Tinitingnan ngayon na dahilan ay ang pagkakamalabuan nila
ng kanyang nobya dahil sa text sa cellphone ng binata na namamaalam sa kanyang
nobya kung kaya’t nagawa niya ang bagay na ito.

Samantala, nanlulumo naman ngayon ang pamilya ng binata
sa nangyari dahil bukod sa bunsong anak ay malapit na itong magtapos sa
kolehiyo.

No comments:

Post a Comment