Posted November 21, 2016
Nag-ugat ang obserbasyon dahil sa dinadaan ng mga residente ang kanilang saloobin sa social media lalo na sa facebook.
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ayon kay Malay Engr. Arnold Solano ng Solid Waste
Management, malaki ang kanyangpasasalamat dahil dumating na ang kanilang
pinakahihintay na dump truck o garbage truck na gagamitin para sa paghahakot ng
basura sa isla ng Boracay.
Kung matatandaan, labis na naging problema ang paghahakot
ng basura sa isla kung saan pintawag pa ito sa SB Session at tinanong kung ano na ang kanilang aksyon
dito.
Nag-ugat ang obserbasyon dahil sa dinadaan ng mga residente ang kanilang saloobin sa social media lalo na sa facebook.
Nabatid na anim na garbage truck at dalawang pay loader
ang binili ng LGU-Malay kung saan apat na garbage truck at isang pay loader ang
ginagamit dito sa isla at dalawang garbage truck at isang pay loader naman sa
Malay.
Sa kasalukuyan, nagbi-bidding na umano sila para sa maghahakot
ng basura subalit meron pa silang ginagawang proposal para sa hauling ng basura
araw-araw na dadalhin sa landfill ng Malay.
No comments:
Post a Comment