Posted November 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Tinatayang aabot
sa 500 na mga youth leaders ang dumalo sa Oath Taking at First Aid Program ng Red Cross Boracay-Malay Chapter sa Boracay
Eco Village sa isla ng Boracay nitong nakaraang Sabado.
Ito ay
kinabibilangan ng mga mag-aaral mula sa Elementarya at Highschool kabilang ang
public at private school sa bayan ng Malay at isla ng Boracay.
Sa panayam ng
himpilang ito kay OIC- Red Cross Boracay-Malay Chapter John Patrick Moreno,
naniniwala pa rin daw siya sa kasabihan na “ang kabataan ay ang pag-asa ng
bayan” kung kaya’t labis ngayon ang kanilang paghikayata sa mga kabataan na dumalo at makibahagi sa
ganitong mga aktibidad.
Nabatid na
matindi ang pagsasanay ng Philippine Red-Cross Boracay-Malay Chapter sa mga
youth leaders ng henerasyon kabilang na ang pagtulong sa kapwa at matuto ng
makabuluhang bagay.
Naging pangunahing
bisita naman dito si Elena Brugger, Director
& Chair, Youth Committee ng Philippine National Red Cross, Boracay-Malay
Chapter , DepEd
Malay District Supervisor Jessie Flores at si Outstanding Youth Leader Stephen
Bryan Boncaras kung saan nagbigay ito ng kanyang mga nalalaman hinggil sa
pagiging Youth Volunteer simula noong bata pa siya.
Layunin ng
nasabing programa ay para maipaabot sa mga kabataan ang kahalagahan ng isang
youth volunteer.
Kalakip dito, ay ang
inihandang kompetisyon kung saan ayon din kay Moreno, isa ito sa mga magiging
daan para maiwasan ang rivalry sa gitna ng iba’t- ibang mga participants mula
sa iba’t-ibang eskwelahan, at dito rin umano mabubuo ang kanilang pakikipag-halubilo
sa kapwa nila estudyante.
Samantala, nag-
paabot naman ng mensahe si Moreno na bukas ang kanilang himpilan sa mga gustong
mag- volunteer at umaasa sila na marami pa ang mga kabataan na tatangkilik sa
ganitong klase ng aktibidad.
No comments:
Post a Comment