Posted December 23, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Positibo parin
ang Sapian Bay at tatlong kalapit na bayan ng Batan, Altavas at New Washington
ng Aklan sa Paralytic Shellfish Poison o Red Tide.
Ito ay base sa bagong
isinagawang eksaminasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)
noong Desyembre 18, 2015.
Dito, sinasabing
mataas parin hanggang sa ngayon ang tinatawag na Regulatory Limit ng sinasabing
toxin.
Sa kabila nito, pinayuhan
naman ng Bureau of Fisheries And Aquatic Resources (BFAR) ang mga tao sa lugar lalong-lalo na ang
nasabing tatlong bayan na nag-positibo sa Paralytic Shellfish Poison na huwag munang kumain, mag-harvest at
magbenta nito.
No comments:
Post a Comment