Monday, December 21, 2015

Magkasintahan sa Boracay, nabiktima umano ng food poisoning

Posted December 21, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for food poisonPanunuka at pananakit ng tiyan ang inabot ng magkasintahan sa Boracay matapos umanong ma food poisoning ang mga ito sa kinaing steak sa isang kainan sa Station 2 Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan.

Sa report ng Boracay PNP, nakilala ang magkasintahan na sina Kent Fontaine 23-anyos at ang girlfriend nitong si Angela Truong 21-anyos na residente ng nasabing lugar.

Nabatid na umorder ang dalawa ng steak sa isang waitress ngunit sinabi umano sa kanila na hindi pa itong puweding kainin dahil may mali pa umano sa naturang pagkain.

Ngunit sa kabila nito sinabi umano sa kanila ng mismong may-ari ng restaurant na puwedi na itong kainin kung saan inutusan naman nito ang waitress na e-serve na ito sa dalawa.

Dahil dito, nakaramdam umano ang dalawa ng makauwi sa kanilang bahay ng pananakit ng tiyan at panunuka kung saan agad naman silang isinugod sa isang pagamutan sa Boracay.

Samantala base sa sumuring doktor sa dalawa, lumalabas na nagtamo umano ang mga ito ng “Ecoli Parasite”.

Ang nasabing kaso ay idinulog ng Boracay PNP sa Bureau of Food and Drugs (BFAR) at iba pang kinauukulang ahensiya.

No comments:

Post a Comment