Posted December 23, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nag-paalala ngayon ang Aklan Provincial Health Office (PHO) sa mga bibili ng Noche Buena products at paputok sa paparating na pasko at bagong taon.
Ayon kay Dr. Victor Santamaria Provincial Health Officer 2, muli umano silang nag-papaalala sa publiko na maging maingat sa kanilang bibilhing Noche Buena ngayong pasko lalong-lalo na sa mga mamantikang pagkain.
Paalala din nito sa may mga may hypertension o high blood na dapat ay umiwas sa ma-kolesterol na pagkain upang hindi atakihin ng kanilang sakit.
Maliban dito sinabi pa ni Santamaria, na maging maingat din sa mga bibili ng paputok sa bagong taon.
Mas mainam umanong gumamit nalang ng mga bagay na ligtas ngunit maingay katulad ng turorot para maiwasan ang anumang uri ng disgrasya dulot ng paputok.
No comments:
Post a Comment